Papunta ka sa eskwelahan, at inaakala
mong mahaba pa ang oras mo nang umalis ka sa bahay. Hindi mo naisip
na baka matrapik ka. Dahil alam mong maraming nag sisipasok ng ganoong oras. Hanggang sa usod pagong na ang iyong sasakyan at doon nag simula ka ng mabalisa dahil maaaring mahuli ka sa klase.
Trapiko ang isa sa pinakamalalang problema sa pagtira sa lunsod, lalo na kung usad-pagong na ang daloy ng trapiko na nagpapasikip sa mga kalsada at nagpaparumi sa hangin. Nakakaungkot diba? hindi nababawasan ang araw-araw na pahirap na ito na dinaranas ng milyun-milyong naninirahan sa lunsod. Maging ang mga awtoridad ya hindi talaga makabuo ng sapat na solusyong lulutas sa problemang ito. Patuloy ang pagdami ng mga tao sa lungsod, anupat halos kalahati ng populasyon ng daigdig ngayon ay nakatira sa mga lunsod. Sa pag dami ng tao sa lungsod hindi ba't madami din ang sasakyan dito? Mas mabilis pa nga ito kesa sa pag gawa ng mga Highway. Isang dahilan ay ang kawalan ng paradahan. Maraming kotse ang maaring mag paikot ikot sa mga kalsada sa lunsod para lamang makahanap ng paradahan. Maraming tao din ang namamatay dahil sa polusyon sa hangin na dulot ng trapiko na gawa ng mga sasakyan. May magagawa pa kaya tayo sa sitwasyong ito?
Para sakin narito ang ilang mga hakbang kung anong magagawa ko mismo. Kung malapit lamang ang pupuntahan,pinakamainam ng mag lakad o mag bisikleta na lamang. Kung malayo naman ang pupuntahan mabuti sigurong mamasahe na lang. Ito ang isa sa pinaka epektibong paraan upang mabawasan ang pag sisikip ng trapiko sa pinaka abalang oras.
Maliwanag,kung nakatira ka sa malaking lungsod kailangan mong harapin ang trapiko. Gayunpaman, kung magiging responsable,magalang at matiisin tayo makakayanan natin ang mga problemang mararanasan sa trapiko.